Saturday, August 2, 2014

Tula para sa mga Tsismoso't Tsismosa

Nagfe-Facebook ako nang aking makita ang isang simpleng tula na nakakuha ng aking interes at atensiyon. Naghanap ako ng tamang pagkakataon na maisama ko sa aking blog at dahil biktima ako ngayon ng walang kwentang tao na itago na lang natin sa pangalang "C" dahil siya'y Chismosa, eto na at ibabahagi ko na. 

Disclaimer: Hindi ito akin, nakita ko lang ito sa Facebook kaya ibabahagi ko sa inyo. Libre maglagay ng komento at reaksiyon. Enjoy!

TULA PARA SA MGA TSISMOSO'T TSISMOSA

Ang pagkakalat ng mga istorya
Tungkol sa buhay-buhay ng iba
Ay isang malinaw na tanda
Na ikaw ay walang magawa!

Tsismis dito, tsismis doon,
Ang oras mo'y nilalamon
Kahit diploma mo pa'y isang balunbon,
Talino mo'y natatapon!

O, bakit nga ba may mga tao
Na sa problema ng iba'y intresado?
Sila kaya'y may kalyo sa puso?
O sadyang mangmang nga lang siguro...

Naninira, bumubulong -
Diyan ang araw nila'y gumugulong
Sa Xerox, sa canteen, o kahit bubong
Animo'y laging nagpupulong!

O, tadhana, sa aki'y ipaliwanag
Kung bakit sila'y sa tsismis nababangag
Tinatakam na makapangalampag
Kahit sa dangal ng iba'y makabasag!

Huwag namang ang loob ay sumama,
Sa aking tanong at tula;
Ako lang naman ay nagtataka
Kung bakit sa mundo'y may mga katulad ka...

~ [ Papa Nicko ]

No comments:

Post a Comment